"You'll never appreciate all of the things your mother did for you until you find yourself doing the same things for your kids."


Ang haligi ng aming tahanan, Rodel Rosal Aguila. 

Siya ang tinuturing kong ama. Siya lang ang kikilalanin kong papa. Isang napaka-dakilang ama. Ni minsan hindi niya pinaramdam sa amin na may lamang sa aming magkapatid. Ni minsan hindi niya pinaramdam na hindi niya ako anak. Buong-buo niya ako tinanggap at minahamahal na isang tunay na anak. 

Business graduate sa UP Diliman si Papa. Kaya na-pressure ako mag-UP. Pero kahit ganun, sinuportahan niya ako sa pag-aaral ko sa UST kasi alam niyang dream school ko yun. Siya yung tipo ng tao na bihira lang ngumiti pero grabe magpatawa. Grabe humor ni papa eh. 

Businessman si papa dati, contractor ng Aluminum glass. Dahil pahirapan na makakuha ng projest dito, nagpasya si papa na magCanada na lang, mahigit 3 taon na siya sa dun. Sobrang miss na namin siya. Pero kelangan magsakripisyo para lang mabuhay kami. Sobrang swerte namin at dumating siya sa buhay namin. 

Nakakalungkot at nakakatakot dahil may sakit si papa sa liver tapos ang layo pa namin sa kanya. Sana tumagal pa buhay niya at ma-enjoy alagaan ang unang apo niya. :(


22 ♥ | June 16, 2013 (Sunday) ○ 1:17 pm | REBLOG ♥



  1. mattcashman said: :)
  2. pauserrano reblogged this from bbjamieanne
  3. pauserrano said: :’)
  4. bbjamieanne posted this